Bicol University, hindi na pahihintulutan ang mga examinees na magdala ng mga gadgets at iba pang mga kagamitan para sa CET

Mas lalo pang hinigpitan ng Bicol University ang guidelines para sa College Entrance Test (CET), kung saan hindi na pahihintulutan ang bawat examinee na magdala ng anumang gadgets at mga kagamitan tulad ng alahas sa mismong oras ng pagsusulit.

Ito ay kaugnay ng isyu ng umano’y pagkuha ng litrato ng test items ng BUCET at pagpapakalat nito, kung kaya’t mas lalo pang hinigpitan ito ng pamantasan.

Dahil dito, naglabas na ng abiso sa publiko ang BU Admissions Office, kung saan nakasaad na ang tanging dadalhin lamang ng mga examinees sa loob ng testing hall ay ang test permit, pencils at pagkain.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings

Ipinagbabawal na rin ang pagsusuot ng mga alahas tulad ng kwintas, polseras, hikaw, singsing, relo na may mga built-in cameras, at iba pa tulad ng mirrorless, compact, at pocket-sized ba mga camera na maaaring nakakabit sa mga school IDs at mga alahas.

Dagdag pa nito, ang mga security guards na nasa BUCENG gym na itinalaga ng Security Services Office ang natatanging may otoridad na mag-inspect sa mga mag-eexam.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Ang examinee umano na mahuhuling lumalabang sa alinmang polisiya sa BUCET na babasahin bago ang test proper ay otomatikong madi-disqualify.

Kung babalikan, lumabas ang isyu dahil sa post ng isang user sa partikular na Facebook group na mayroon umanong nagpakalat ng test items nito lamang nakaraang linggo, at mayroon na silang hawak na 63 mga pangalang posibleng sangkot.