Arestado ang isang binata sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 5, Brgy. Cobo, lunsod ng Tabaco, Albay.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ruel”, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa report, hapon nang ikasa ng mga otoridad ang Anti-Illegal Drug Operation laban sa suspek.
Kumagat ito sa pain matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 0.8 gramo at nagkakahalagang mahigit P6K.
Nang magkaabutan na ng item at pera, dito na hinuli ang suspek matapos magdeklara itong kabilang sa mga awtoridad.
Ang suspek at ang narekober ay pansamantalang dinala sa Tabaco CPS para sa kaukulang disposisyon.