Iginiit ng Philippine National Police na gumagana ng maayos ang sistema ng pagdidisiplina sa kanilang hanay.
Sinabi ni PNP Public Information Office Chief PBGen. Redrico Maranan, na patunay nito ang pagkakatanggal sa serbisyo ng nasa 836 at pagkakasuspinde ng 1,703 na mga pulis na napatunayang guilty sa samu’t saring paglabag mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Epektibo rin aniya ang ipinatutupad na kampanya ng PNP laban sa krimen na patuloy na nagtataguyod ng ligtas na komunidad.

Ang pahayag ay inilabas ng PNP matapos sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ng mag-resign ang lahat ng miyembro ng PNP matapos na masangkot sa iligal na droga ang ilang matataas na opisyal at hayaan na ang AFP na mag take-over. //CA, edited MHEL PACIA