Higit 720k doses ng ‘pediatric’ vaccines mula sa Australia, nakatakdang matanggap ng Pilipinas

Makatatanggap ang Pilipinas ng higit sa 720,000 na doses ng pediatric vaccines mula sa Australian government.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Health na ang mga naturang doses ng pediatric vaccine na Pfizer ay bahagi ng anim na milyong doses na matatanggap ng bansa bago matapos ang taon sa ilalim ng programa ng UNICEF.

Nakatanggap na ng mahigit 2,280,000 doses ng pediatric Pfizer vaccines ang bansa mula sa Austrailia.

Ayon sa DOH, makatutulong ito para matiyak ang proteksyon ng mga kabataan lalo na’t nanumbalik na sila ngayon sa eskwela.
#