3 sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa bayan ng Roxas

Kapwa sugatan ang mga drayber at angkas sa banggaan ng dalawang motorsiklo ganap na 9:45 kagabi sa Baranggay Poblacion 3, Roxas Palawan.

Kinilala ang mga nasangkot sa aksidente na sina Jesus Vidal Miraflores Jr., 42 anyos, kapitan ng Bgy. Poblacion 3, Roxas na nagmaneho ng Yamaha Mio 125 Motocycle.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Ang nakabanggaan nito ay sina Diego Bargoyo Hesita, 19 anyos na nagmaneho ng Honda Click 125i na may isang angkas.

Lumabas sa imbestigasyon na mabilis ang takbo ng Honda Click mula sa Brgy. 1 papuntang Brgy. Poblacion 3 at pagdating sa lugar ay dito na niya nakabanggaan ang motorsiklo ni Miraflores Jr. habang tumatawid  mula sa kanang bahagi ng kalsada.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Samantala, dinala sa Roxas PNP ang mga motorsiklo.