Higit 70 Omicron subvariant cases, naitala

Muling nakapagtala ang Department of Health ng mga kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariants sa bansa.

Sa Media Forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa latest sequencing, nakumpirma ang 60 mga bagong kaso ng BA.5

58 rito ay mula sa Region 6; at tig-isa naman sa Regions 11 at 12.

Isa ang unvaccinated habang kinukumpirma pa ang vaccination status ng iba.

Ang isang BA.5 case ay nagpamalas ng mild symptoms.

Sa naturang bilang, 43 na ang tagged as recovered; 14 ang nananatili sa isolation.

Samantala, 17 naman ang mga bagong kaso ng BA.2.12.1.

Anim ang mula sa Region 6; sampu mula sa Region 11; at isa ang returning overseas Filipino.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Inaalam pa naman sa ngayon ang travel history ng mga bagong kaso na ito.

Isa ang nagmapamalas ng severe symptoms; habang 2 ang mayroong mild symptoms.

15 sa bilang ang tagged as recovered; habang ang dalawa ay nananatili sa isolation.

Samantala, mayroon ding tig-isang kaso ng BA.4 sa Regions 11 at 12.

Isa ang fully vaccinated; habang ang isa ay unvaccinate4d.

Sa kabila nito, muling nilinaw ni Vergeire na nananatili pa rin sa ‘low risk’ ang health care utilization sa bansa.

Aniya, mas mababa pa rin sa 1.5% ang severe and critical cases sa mga hospital admissions.
#

Read More:  NBI names Sen. Padilla person of interest in Sen. Bato search

Booster dose rollout, kailangang palawigin para payagan ang optional na pagsusuot ng face masks sa bansa

Nanawagan si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko na magpaturok na ng booster dose.

Ito ang tugon ni Vergeire matapos imungkahi ang pagiging optional ng pagsusuot ng face masks sa mga outdoor setting.

Sa Media Forum, sinabi ng Health Official na kinakailangang pataasin ang wall of immunity ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mas mataas na booster dose rollout.

Sa ganitong paraan aniya ay mas mapadadali na ang pagluuwag ng mask mandate sa bansa.

Samantala, kinumpirma rin ni Vergeire na inumpisahan na nila ang pakikipagdiskusyon sa mga eksperto para i-review ang ipinatutupad na alert level systems sa bansa.

Nakatakda umano silang magpresenta ng kanilang rekumendasyon kay Panguong Bongbong Marcos base sa instructions nito.
#