LYDO ng Paracale nakiisa sa selebrasyon ng IDADAIT 2024

CAMARINES NORTE – Nakiisa ang Local Development Office (LYDO) ng bayan ng Paracale sa selebrasyon ng International Day Against Drugs Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2024 na may temang “Invest in Prevention”.

Ang nasabing selebrasyon ay pinamunuan ni Ron Soriano Zamudio kasama nito ang Sangguniang Kabataan Federation ng Paracale, at DILG Paracale sa pamumuno ni Mrs. Milrose E. Abilay.

Ito ay naglalayong isulong ang pag-iwas sa droga upang ihinto at labanan ang nakakapangambang paglaganap nito.

Samantala, dahil sa isinagawang selebrasyon ay nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad na inimungkahi ng DILG Camarines Norte na agad naman sinang ayunan ng pangakong susuportahan ng bawat barangay dahil sa pamamagitan nito mabawawasan ang pagkalat ng droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *