Bagyong #AghonPH, napanatili ang lakas at inaasahang lalakas pa sa susunod na dalawang mga araw

Napanatili ng Bagyong #AghonPH ang lakas nito habang kumikilos sa direksyong pa-hilagang kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.

Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 100 kilometro silangan timogsilangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 140 kilometro kada oras, at bugsong papalo ng hanggang 170 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin ang tropical cycline wind signal number 2 sa southeastern portion ng Isabela (Dinapigue, Palanan), at sa northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran).

Signal number 1 naman sa northeastern at southern portions ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian), eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay), southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda), at nalalabing bahagi ng Aurora, northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang ang Polillo Islands, at northwestern portion ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Vinzons, Capalonga) kabilang ang Calaguas Islands.

Inaasahang lalakas pa ito sa mga susunod na dalawang araw, at maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility, sa Miyerkules ng hapon o gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *