Higit 400 covid 19 delta variant, napatala sa Calabarzon region ayon sa DOH 4A

Batangas -Bumibilang na sa apat na daan at anim ang mga tinamaan ng delta variant sa Calabarzon region ayon sa Department of Health region 4A base sa kanilang pinakahuling tala nitong atrese ng Setyembre.

Base sa datus,  naitala sa Laguna ang 112  na tinamaan ng Delta variant.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sumunod ang Cavite na may 99, Rizal 83, Batangas 65 at Quezon 33.

Kaugnay nito, sa mga tinamaan, ang mga fully vaccinated kontra Covid-19 ay bumibilang sa 34 habang ang 30 ay nabakunahan ng unang dose pa lamang.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kabilang din sa mga tinamaan ng delta variant ang  72 pasyente na hindi pa nababakuna habang nasa 33 ang hindi naman maaaring mabakunahan.

Sa kasalukuyan nasa 237 na pasyente pa ang inaalam ang estado ng kanilang bakuna.