Higit 300 indibidwal mula Canlaon City – nagsilikas sa gitna ng paga-alburoto ng Mt. Kanlaon

Napilitang lumikas ang nasa higit 90 mga pamilya sa ilang barangay sa Canlaon City.

Kasunod ito ng patuloy na paga-alburoto ng Mt. Kanlaon.

Read More:  Comelec may seek additional funds if BSKE is postponed

Ayon sa LGU, katumbas ito ng nasa 300 indibidwal nula sa mga barangay Masulog, Pula, Malaiba, at Lumapao.

Kung maaalala, naglabas na ng order Canlaon City Mayor Jose Cardenas kung saan ay ipinatupad na ang mandaotry evacuation partikular na sa mga residente sa loob ng 4-km permanent danger zone.

Read More:  DPWH warns public over fake documents using Secretary Vince Dizon’s signature

Sinuspindena rin ang pasok sa Lungsod.