ACT Teachers party-list France Castro – lagi raw ‘nasa gitna’ ng mga napabalitang impeachment laban sa kaniya

Hindi na raw bago kay Vice President Sara Duterte ang mga usapin ng impeachment laban sa kaniya.

Tahasan naman niyang pinangalanan si House Deputy Minority Leader, ACT Teachers party-list Rep. France Castro na lagi raw nasa gitna ng mga nilulutong pagpapatalsik laban sa kaniya.

Read More:  President Marcos receives PLM’s highest honorary degree

Aniya, patuloy daw kasing idiniriin ni Castro na impeachable offense ang paggasta niya ng ilang pondo.

Sabi ni VP Sara, palagi rin namang napupuntirya ang bise presidente dahil sa posibilidad na palitan nito ang kasalukuyang Pangulo.

Read More:  Remulla, Paolo Duterte clash over Davao City as flood control ‘epicenter’

Nanindigan din siyang malinis ang ginawang spending ng kaniyang tanggapan, pati na rin sa DepEd noong siya pa ang Secretary.