Bilang ng napaulat na nasawi sa Bagyong Enteng at habagat, umakyat na sa 21 – NDRRMC

Umakyat pa sa 21 ang napaulat na nasawi dulot ng bagyong Enteng at habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa na ang kumpirmado rito mula sa Region 6 o Western Visayas habang 20 ang for validation pa.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Samantala, dalawampu’t anim na indibidwal ang nananatiling missing habang 22 ang injured.

Umabot na sa halos 3 milyon ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng bagyo at habagat.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nasa 21 thousand o mahigit 5 libo pang mga pamilya ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers sa Regions 2, 3, CALABARZON, region 5, CAR at NCR.