Higit 250 na travelers mula Omicron-hit countries, walang COVID symptoms

Inihayag ng Bureau of Quarantine na karamihan sa mga travelers na pumasok sa Pilipinas mula sa Omicron-affected countries gaya ng South Africa, Burkina Faso, at Egypt ay wala pang mga sintomas ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, patuloy na naka-quarantine ang mga ito, alinsunod sa panuntunan at direktiba mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay BOQ Deputy Director Roberto Salvador Jr., nakipag-ugnayan na sila sa central office ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para masigurado na mababantayan ang naturang mga travelers at mga kababayan na nandito na sa Pilipinas.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, napaulat ng DOH na may 253 travelers mula sa South Africa, tatlo mula sa Burkina Faso, at 541 mula sa Egypt ang dumating sa bansa mula November 15 hanggang November 29.
Kaugnay nito, tatlo sa kanila ang nagpositibo mula sa COVID-19.