PNP, all set na sa pagbibigay ng seguridad para sa F2F classes sa NCR

Handa na ang Philippine National Police sa pagbibigay ng seguridad para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa 28 paaralan sa Metro Manila schools.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, susundin lang nila ang template sa mga naunang security measures na ipinatupad sa limited face to face classes, at papaalalahanan ang mga police personnel na mahigpit na limitahan ang kanilang sarili na pumasok sa school premises, maliban kung may request para sa security assistance.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Maliban dito, pinapaalalahanan rin ang mga estudyante, magulang at guardians na sundin ang minimum health standards para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Nabatid na sina ni Carlos na maglalabas rin ang PNP ng memorandum na nagbabawal sa mga unvaccinated personnel na magreport sa duty, alinsunod sa resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).