Higit 1m na indibidwal sa isabela, bakunado na kontra covid-19

Lagpas isang milyon na ang bilang ng mga nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 sa lalawigan ng Isabela.

Sa datos ng National Immunization Program- Isabela Integrated Provincial Health Office, mayroon ng 1, 001, 624 o katumbas ng 79.7% ng target population ang fully vaccinated na sa probinsya.

Read More:  Motorcycle rider dies in Toledo City collision with armored van

Habang mayroon namang 1, 063, 036 na katao ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna o 84.6% ng 80 porsyento sa 2022 target population.

Tumaas din ang vaccination consumption sa lalawigan ngayong araw kung saan umabot na ito sa 88.2% mula sa 84% na percentage noong March 14, 2022.

Read More:  PCG investigates source of oil spill in Mariveles, Bataan

Ayon pa sa datos ng IPHO, mayroon na lamang 84, 853 o 7.4% ang hindi pa nababakunahan na kabilang sa adult population habang mahigit 200 thousand naman ang natitirang unvaccinated sa pediatric population.