Higit 1,000 daily COVID-19 cases, pinangangambahan

Nangangamba ngayon ang Department of Health na posibleng sumipa pang muli ang average na daily cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa LagingHanda press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon silang projection na sa pagtatapos ng Hunyo, posibleng makapagtala ng 800 to 1,200 average cases kada araw.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Ito aniya ang kung magtutuluy-tuloy pa ang naitatalang bahagyang pagtaas sa daily cases na naitatala ng Department of Health.

Sa kabila nito, hindi pa naman daw ito tiyak na numero at hindi rin sila nagbibigay na pangamba sa publiko.

Projection lamang daw ito ng tanggapan para makapaghanda ang mga kinauukulang ahensya.

Read More:  DICT confirms online posts encouraging people to cause trouble at the Senate

Sa ngayon, hindi pa rin umano maituturing na ‘case surge’ ang naitatalang bahagyang pagtaas sa COVID-19 cases sa Pilipinas.

Aniya, bagamat mayroon ngang slight uptick ay hindi nman ito ganoon pa karami at hindi nananatili pa rin tayo sa low risk classificaiton.
#