Inaaral na ng gobyerno ang posibilidad na maumpisahan na ang apgtuturok ng booster dose para sa mga edad dose hanggang disisiyete sa susunod na linggo.
Matatandaang una nang sinabi ng NVOC na next week maaaring ilabas ang guidelines nito ngunit sa LagingHanda press briefing, kinumpirma na ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na baka lumarga na ang pag-administer nito.
Ayon kay Vergeire, ito ay makaraang ma-amyendahan na ng FDA ang inisyung emergency use authorization para sa Pfizer sa bansa.
Ibig-sabihin, maaaring ito na ang gamitin vaccine brand bilang 3rd dose sa nasabing age bracket.
Sa kasalukuyan, pinal na guidelines pa rin mula sa HTAC ang hinintay ng health officials at ng LGUs para maumpisahan na ito.
#