Higit 100 na mga motorista, natiketan dahil ilegal na dumaan sa EDSA bus lane

Sumipa sa 146 ang bilang ng mga nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paglabag sa EDSA Busway.

Ayon kay MMDA Task Force Special Operations Head Bong Nebrija, magiging mas mahigpit pa silang ipabatid sa mga motorista ang pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Bukod dito, layon ng batas na maging ligtas ang paggamit ng EDSA at maiwasan ang aksidente dahil sa pagsalungat sa umiiral na patakaran sa nasabing daan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Nagbabala rin ang MMDA na sa susunod na linggo ay mas malaking multa ang kakaharapin ng motorista na ilegal na dumadaan sa EDSA bus lane.