Magsisimula sa susunod na linggo ang three-city trip ni Pangulong Bongbong Marcos sa Amerika, bilang bahagi ng kanyang pakikilahok sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit at mga pagbisita sa Los Angeles at Hawaii.

Dadalo si Marcos sa APEC Summit sa San Francisco mula Nob. 15 hanggang 17, at bibiyahe sa Los Angeles at Honolulu sa mga susunod na araw.
Isa sa mga highlight ng kanyang paglalakbay sa US ngayong taon ay ang kanyang pagbisita sa US Indo-Pacific Command sa Hawaii.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Charles Jose, isusulong ng Pangulo ang mga national key agenda sa kanyang paglahok sa summit tulad ng clean energy, healthcare system, digital transformation, food security, at climate change.
Binigyang-diin ni Jose na ang paglahok ng Pangulo sa summit ay sumasalamin sa kahalagahan ng pagtutulungan at ng ating pakikilahok sa agenda ng APEC upang ituloy ang ating mga pang-ekonomiyang interes.