Pitong taon matapos mawala ang na si Ruger, muling nakita ito ng may-ari sa isang local lost and found page sa Facebook. Kahit matanda na ang itsura, hindi nakalimutan ng owner ang anyo ni Ruger.

Nakalipas nang mawala si Ruger nang pitong taon sa pamilya ni Brittany Simpson. Nasa harapan lamang ng kanilang bahay at naglalaro sa bakuran nang biglang nawala si Ruger. Hinala ni Brittany, biktima si Ruger ng dognapping.
Isang buwan nilang hinanap si Ruger at nag-post pa sa social media tungkol sa pagkawala nito. May microchip si Ruger, kaya inaasahan nilang madaling maibabalik ito, ngunit walang resulta ang kanilang paghahanap.
Habang nagba-browse si Brittany sa Facebook, nakakita siya ng larawan ng isang aso sa Amarillo Pet Lost and Found Facebook page na nagpatigil ng tibok ng kanyang puso noong Hunyo 2024.
Ayon sa post ni Rebecca Latimer sa isang post na nagsabing nakita niya ang aso at mukhang may sakit ito.Nagkausap sila ni Rebecca at ibinigay nito ang mga detalye ng veterinary clinic kung nasaan si Ruger.
Pinuntahan agad ni Brittany ang veterinary clinic, at kinumpirma ng microchip agency na si Ruger nga iyon. Muling nakapiling ni Brittany ang kanilang nawalang tuta na akala niya ay hindi na nila makikita pa.
Sa una, hindi agad naging komportable si Ruger, ngunit makalipas ang ilang araw, bumalik ito sa dati niyang sarili.
Sa ngayon, kasama na niya muli ang isa pang alagang aso ng pamilya. Hindi na nalaman nina Brittany kung sino ang kumuha at kung ano ang nangyari kay Ruger sa loob ng pitong taon. Ngunit ngayon, binibigyan nila si Ruger ng maayos na buhay na naipagkait sa kanya sa matagal na panahon. (BRIGADA NEWS INTERN-HANNAH MAGNAYE)