High value target sa Quiapo, arestado matapos mahulihan ng higit P12 milyong halaga ng shabu

Nadakip sa Quiapo, Maynila ang isang high value target na sangkot sa ilegal na droga. Sa ikinasang operasyon ng Barbosa Police Station, nadakip sa isang apartelle sa Barangay 391 sa Quiapo ang tinayatang P12 milyong shabu.

Read More:  Court delays Sara Duterte’s grave threats arraignment again

Natukoy ang suspek na si Salahudin Baumal alyas ‘Kulot’ na ayon sa mga operatiba ay tatlong araw nang minamanmanan ng mga pulis.

Nang makumpiska ang pagmamay-ari nitong ilegal na droga, hindi umano inasahan ng mga pulis sa ganun karami ang hawak nitong kontrabando.

Read More:  Cayetano vows minority bloc will continue work after Villar’s exit

Samantala, patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya upang matukoy kung saan nangmula, at kung saan nanggagaling ang supply ng drogang hawak ng suspek.