30 sa 46 na nagpabakuna kontra COVID- 19 sa lalawigan noong Lunes, nagpaturok ng booster shot

CAMARINES NORTE- Karagdagang 46 na indibidwal sa lalawigan ng Camarines Norte ang nagpabakuna kontra Covid- 19 noong Lunes, Enero 30.

Karamihan dito ay nagpabakuna ng booster na nasa tatlumpu, siyam na additional dose habang pito ang nakakatanggap pa lang ng unang dose.

Ang itinurok na bakuna ay Pfizer at Sinovac ayon sa Provincial Covid- 19 vaccination operation center.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Apat na bayan naman ang walang report sa vaccination sa nabanggit na petsa at ito ay ang Basud, Capalonga, San Lorenzo Ruiz at Talisay.

Ang mga bayan na nagbakuna ay ang Mercedes na may 14, Daet 11, Vinzons 10, Labo 7, Jose panganiban 3 at isa lang sa San Vicente.

Habang may naitala namang 10 wastage ng bakuna.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Noong nakaraang linggo ay walang naitalang bagong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.

Sa kabila ito, iginiit ng Department of Health na mahalaga ang pagpapabakuna lalo’t nananatili pa rin ang banta ng COVID- 19.

Partikular nais maprotektahan ng DOH sa pamamagitan ng bakuna ay ang vulnerable sector tulad ng matatanda, bata at may comorbidities.