Hidilyn Diaz, magreretiro na pagkatapos ng Paris 2024?

Tila nagbigay ng hint ang Olympic champion Hidilyn Diaz-Naranjo kaugnay sa posibilidad na pagreretiro pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Diaz ang larawan ng kanyang kamay, kasama ang isang liham, kung saan sinabi niya dito na naghahanda na siya para sa upcoming Olympics.

Ang naturang post ay may katagang “#LastLift”

Ito na nga ba ang huling weightlifting competion na sasalihan ng  Olympic champion?

Matatandaan na ipinagpaliban nito ang kanilang honeymoon matapos ang kasal nila ni Julius Naranjo, para maghanda sa Olympics.

Noong July 26 nang ikinasal ang champion weightlifter, eksakto isang taon matapos manalo ng gold sa 2020 Tokyo Olympics.