Napili si Naim Qassem bilang bagong lider ng grupong Hezbollah matapos na mapatay ng mga Israeli army si Hassan Nasrallah.

Ayon sa Senior Council ng Hezbollah, dumaan sa proseso ang pagpili sa kanilang lider para matiyak na maayos ang susunod na mamumuno.
Tiniyak din ni Qassem na magiging tapat ito bilang Islam at tutugon sa prinsipyo ng Hezbollah.