Anton Ignacio – wagi sa 2024 International Jet Sports Boating Associations World Finals

Gold Medal ang Pilipinas pagdating sa Jet Ski matapos na manguna si Anton Ignacio sa 2024 International Jet Sports Boating Associations World Finals sa Arizona, USA.

Champion sa Pro Am Roundabout 1100 Stock event si Anton matapos magtala 173 points kung saan tinalo niya ang mga pambato ng Germany at Thailand.

Historic din ang pagkapanlo ni Anton dahil bukod sa siya ang pinaka batang Jet racer, ito rin ang ikalawang world title niya sa magkasunod na taon.