Tuluyan nang sinibak sa puwesto ang hepe ng Navotas City Police Station na si PCol. Allan Umipig at 22 tauhan nito.
Ito pa rin ay may kaugnayan sa pagkakabaril sa binatilyong si Jemboy Baltazar.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director BGEn. Jose Melencio Nartatez – sibak na rin si Umipig dahil sa ‘command responsibility’.
Kung maaalala, pina-relieve sa puwetso si Umipig dahil sa umano’y order nito na i-exclude ang 11 mga pulis sa official report sa insidente.