Hepe ng Lucena PNP, nakakulong ng 30 days sa House of Representatives

Nakakulong ngayon ang na-relieve na Chief of Police ng Lucena City Police Station na si PLT. Col. Reynaldo Reyes sa custodial facility ng House of Representatives.

Ito ay matapos irekomenda ni Representative Joseph Stephen Paduano, dahil umano sa hindi nito pagsagot ng totoo sa mga tanong ng mga Kongresista sa isinagawang hearing.

Magtatagal ang pag contempt kay Reyes ng 30 days habang sinibak na rin ito sa pwesto.

Samantala, kaugnay pa rin ito ng ilegal na pamamasok ng walong (8) pulis sa bahay ng isang babae sa Barangay Ransohan, Lucena City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *