Hinangaan ng mga netizens ang dedikasyon at pagiging professional ni Yuki Togashi ng Japan pagdating sa basketball sa Paris Olympics 2024.
Kahit kasi may pagkalayo ang agwat ng laki ni Victor Wembanyama ng France sa kanya ay hindi ito naging hadlang para hindi niya ito mabantayan.

Si Wembanyama ay may height na 7’3 isa sa pinaka mataas na player sa basketball ng Paris Olympics habang si Togashi ay may taas na 5’6 na isa sa shortest player sa Olympics para sa Men’s basketball.
Sa kabila ng height different hindi rin ito naging hadlang sa magandang laro ng France at Japan sa naturang kompetisyon.
Sa huli ay nakakuha ang France ng 94 habang 90 naman ang nakuhang score ng Japan.