Heart ipinakita ang kanyang smartphone at mirror in one na nagkakahalaga ng P85,000

Ipinakita ni Heart Evangelista ang kanyang Lulu Smart Mirror, isang device na may kakayahan na maging Android tablet at sa parehong pagkakataon, salamin (mirror)!

Sa post ni Heart, ang smart device ay tinatawag na Serena na mayroong 5MP front camera para ma-capture ang OOTDs, pero maari rin itong gamitin para sa mga apps gaya ng Instagram, at iba pang programs.

Read More:  Gerald Anderson says he’s not in a rush to find his next Love

Ang smart mirror na 32-inch screen display, ay mayroon rin 32GB storage at 4GB RAM.

Read More:  Atasha Muhlach opens up about dealing with online criticism

Ang Serena model mula sa Lulu Smart Mirror ay nagkakahalaga ng P85,000.

Batay sa makikita sa Instagram page ngnaturang device, ang iba pang celebrities na nagmamay-ari nito ay sina events producer Tim Yap at lifestyle blogger Cat Arambulo-Antonio.