Inihayag ni Heart Evangelista na very good ang kanyang relasyon sa asawang si Sen. Chiz Escudero.
Sa isang artikulo na nailathala sa isang magazine kung saan cover si Heart, ikinuwento ng fashion icon ang tungkol sa relasyon nila ni Chiz.

Inilarawan rin niya ang kanyang pamilya bilang modern-thinking at natutuwa aniya siya na sa magandang takbo ng relasyon nilang mag-asawa.
Aminado rin siyang mayroong societal pressure na magkaroon siya ng baby.//CA