CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health nitong Biyernes na mula sa high risk at moderate risk nitong mga nagdaang araw, nasa low risk na ngayon ang healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon sa ahensiya, sa 169 na COVID beds na inilaan ng Camarines Norte ay nasa 100 dito ang nagamit o katumbas ng 59. 2 % utilization.
Nasa low risk din ang COVID ward beds utilization sa 48. 1%, ICU beds sa 50. 0% at mechanical ventilators sa 33. 3 %.
Gayunman nananatili sa moderate risk ang isolation beds sa 65. 1 % utilization.
Ayon kay Dr. Lulu Santiago, COVID- 19 Program Coordinator ng DOH Bicol bumaba sa pangkalahatan ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa rehiyon.
Nangangahulugan umano ito na epektibo ang nagging hakbang ng mga Local Government Unit para mapababa ang mga naitatalang kaso ng sakit.
Gayunman, hindi umano ibig sabihin na pwede nang maging kampante.
Ayon kay Santiago, dapat pa rin umanong gawin ng bawat isa ang kani- kanilang parte upang tuluyan nang mapababa ang mga naitatalang kaso ng sakit.
Mas maganda umano kung nasa Alert Level 1 na lang sa susunod na linggo ang rehiyon.
Matatandaan na isa ang lalawigan ng Camarines Norte sa isinailalim ng Inter Agency Task Force sa general Community Quarantine na epektibo ngayong buong buwan ng Oktubre.
