Healthcare utilization rate sa Camarines Norte nananatiling mababa

CAMARINES NORTE- Nananatiling mababa ang Healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Department of Health as of April 3, 2022 sa 132 beds na inilaan para sa mga Covid patients nasa 14 dito ang nagamit o katumbas ng 10. 6 percent.

Wala namang naitalang paggamit sa ICU beds at mechanical ventilator.

Sa kabila ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 hindi naman nagbabago ang paalala ng Provincial Health Office na patuloy na mag ingat at sundin ang health protocols.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Importante rin ang pagpapabakuna kontra COVID- 19 para masiguro ang proteksyon.

Una nang sinabi ng PHO na sa ngayon ay maraming bakuna sa cold room ng CNPH dahil hindi tulad  ng dati, ngayon ay maya’t- maya na ang dating ng mga bakuna.

Nasa 67 porsiento pa lang sa ngayon ang immunization coverage sa lalawigan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kaya naman pagtutuunan umano ng pansin ng PHO ang pagpapaigting ng bakunahan lalo na sa A2 priority group.

Dalawa na lang kasi  ang tinitingnang criteria ngayon para sa pagbaba ng Alert Level.

Dapat ay 80 porsiento na ang immunization coverage sa pangkalahatan at sa A2 priority group o senior citizen para maibaba ang lalawigan sa Alert Level 1.

Una nang ibinababa ang Alert Level 1 sa Daet at San Vicente dahil sa mataas na immunization coverage.