LEGAZPI-Aminado ang Commission on Election (COMELEC) na may mga lugar pa rin sa Albay na pahirapan sa network o walang signal.
Ito ang inihayag ni Atty Maria Aurea Bo Bonao, Provincial Comelec Supervisor ng Albay sa sinagawang press briefing.
Ayon kay Bonao, maaari pa rin magkaroon ng pagka-delay sa pagpapalabas ng resulta sa darating na election 2022 dahil sa may mga barangay na kabilang sa dead spot areas.
Aniya, tanging gagawin lamang ng mga ito ay maghahanap ng lugar o karatig na barangay na mayroon o malakas na signal upang makapagproseso ito ng resulta.
Dagdag pa nito, sakali man na magkaroon ng brown out sa lugar kailangan malaman o siguradohin ng ahensya na mayroong kasamang batterya ang vcm upang tumagal din ito ng 12 oras sa pagpoproseso ng balota o resulta ng mga binoto.
Hindi rin masabi ng tanggapan kung ilan ang barangay sa lalawigan ang mayroong deadspot na lugar dahil sa pabago bago naman ito.
Nagkaroon kasi ng development o improvement ang lugar o barangay ng kanila signal.
Sinabi ng opisyal, kapag mahina ang signal ay mayroong began na gagamitin at contengecy plan upang tuloy tuloy pa rin ang transmission ng official results.