Bagsak ang ibinigay na grado ng Alliance of Health Workers kay Pangulong Bongbong Marcos kasabay ng nalalapit na SONA nito.
Ayon kay Alliance of Health Workers president Robert Mendoza, hindi natutugunan ng Pangulo ang mababang sahod ng mga health workers, at ang malalang understaffing.
Tuloy-tuloy din aniya ang contractualization sa mga mga health workers, at may mababang budget para sa kalusugan.
Imbis na gumanda umano ang mga healthcare delivery system at matanggal ang demoralization ng mga healthcare workers – lalo lang itong lumalala.
Binigyang-diin din nito na anim sa 10 mga nurse ang nagre-resign sa Philippine General Hospital (PGH) kada-buwan dahil overworked at underpaid ang mga ito.
Sa huli, sinabi ni Mendoza na ang ikinababahala nila ngayon ay sakaling hindi maresolba ang naturang mga problema, posibleng bumagsak ang healthcare system sa bansa.