Health Officers sa Daet District Jail, nagsasagawa ng programa laban sa sakit na tuberculosis

CAMARINES NORTE- Isinasagawa ng mga Health Officers ng Daet District Jail ang programa laban sa sakit na tuberculosis.

Sa pagpasok pa lamang ng PDL o Persons Deprived Of Liberty sa piitan ay ina-assess na ito kaagad ng Jail Nurse at kapag nakita base sa X-Ray Result nito na ito ay positibo sa sakit, nakikipag-ugnayan ang Jail Nurse sa  TB-DOTS center ng Rural Health Unit-II ng Daet na siyang ka-partner ng piitan sa usaping pangkalusugan para makunan ng sputum samples ang nagpositibo sa X-Ray.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ipinapasa ang nakolektang samples sa TB DOTS Center para sa GeneXpert Testing, isang pamamaraan upang makumpirma kung may TB ang isang indibidwal.

Habang hinihintay ang resulta ay ina-isolate na ito o ibinibukod sa karamihan upang hindi makahawa. Inihahanda na rin ito para sumailalim sa gamutan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Isa ang sakit na tuberculosis (TB) sa karaniwang sakit na mabilis kumalat sa loob ng piitan. Kaya naman puspusan umano ang kampanya ng mga Jail Nurses upang mapigilan ang pagkalat nito.