Health Office ng Pili, Camarines Sur nagbabala matapos umabot sa 44 °C ang heat index

CAMARINES SUR- Mas mainit pa sa may sinat ang naramdaman ng maraming mga taga Pili, Camarines Sur nitong nagdang Easter Sunday matapos na pumalo sa 44 °C ang heat index.

Ito ay base sa record ng PAGASA mula Marso 27. Sa parehong araw 44 °C heat index nasundan ng 42 °C, dalawang araw na 41°C at balik sa 44. 

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Health Officer Dr. Rafael Salles, nagbabala ito na delikado ang nasabing init lalo na sa mga may edad na, “danger” level na nga itong maitututing ng PAGASA. Iwasan na muna aniya ang paglabas kung hindi naman gaanong kailangan, magbaon ng pananggalang sa direktang init at uminon ng sapat na tubig. 

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod