Health issues, pangunahing dahilan ng COC Withdrawal ng isang SP member sa Cauayan City

Pangunahing dahilan ni Sangguniang Panlunsod Rufino Arcega sa pagwithdraw ng kaniyang Certificate of Candidacy kahapon, October 18,2021 ay ang kapakanan ng kaniyang kalusugan.

Ayon kay SP Arcega, dahil sa banta ng COVID-19 kung saan patuloy ang pagtaas ng kaso sa lunsod ay napagdesisyunan ng kaniyang pamilya umatras na lamang ito pagkakandidatura upang mangalagaan ang kaniyang kalusugan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aniya, bagaman kahapon lamang nalaman ng kaniyang kasamahan ang desisyon nitong withdrawal ay una na niyang kinausap si Cauayan City Mayor Bernard Dy ukol dito upang malaman ang proseso at requirements sa pagwithdraw ng COC at naintindihan rin naman umano ng alkalde ang kaniyang desisyong pag-atras.

Dagdag pa ng opisyal, ito aniya ang unang termino nito sa pagiging Sangguniang Panlusod na matatapos sa June 2022 ngunit umabot naman ng 42 years ang serbisyo nito bilang Cauayan City Agriculturist.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Tiniyak naman ni SP Arcega na sa natitirang walong buwan ng kaniyang panunungkulan ay tututukan nito ang mga problema ng mga magsasaka at senior citizen upang mabigyan ng kaukulang aksyon.