Pinayuhan ng health expert ang mga taong may diabetes na kumuha ng COVID-19 booster shot, bilang karagdagang proteksyon.
Ayon kay Dr. Carol Montano, miyembro ng Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism (PSEDM), na ang may diabetes ay inirerekomendang magpabooster, dahil bumababa ang efficacy ng bakuna.
Dagdag ni Montano na batay sa American Diabetes Association, nakita nila na tumaas ang proteksyon ng mga may diabetes na na-ospital noong nagkaroon sila ng booster.

Giit nito, hindi nagiging sapat ang full dose, dahil marami umano sa mga pasyenteng may diabetes, ay nahahawa ulit ng naturang virus, matapos ang apat na buwan.
Samantala, pinayuhan rin nito ang mga diabetic na regular na imonitor ang kanilang blood sugar level. //MHEL PACIA-TRINIDAD