Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ang patuloy na operasyon ng online cockfighting o e-sabong at ipapatigil pa umano niya ito, kung papatunayan ang masamang epekto nito sa publiko.
Una nang ibinasura ni Duterte ang panawagan na suspendihin ang operasyon nito, dahil nagbibigay umano ito ng malaking kita para sa gobyerno ng hanggang P640 million kada buwan.
Matatandaan na marami nang mga mambabatas at grupo ang umapela na itigil muna ang operasyon ng e-sabong, matapos mawala ang nasa mahigit 30 agents simula noong nakaraang taon.

Nabatid na naghain na ang Philippine National Police (PNP) Special Investigation Group Sabungero (SITG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng reklamong kidnapping at serious illegal detention laban sa pamunuan at security personnel ng cockfighting arena.