Nananatiling high risk ang health capacity utilization rate ng lalawigan ng Isabela kung saan ito’y nasa 76.88% na base sa DOH Hospital Use Classification.
Batay sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office, mula 813 hospital beds ng pampubliko at pribadong hospital na inilaan para sa mga COVID-19 patients ay 625 na rito ang okupado habang mayroon pang natitirang 188 na available.
Dahil dito, muli namang hinihikayat ni Governor Rodito Albano at Vice Governor Bojie Dy ang publiko na sumunod sa health and safety protocols at magpabakuna na kontra COVID-19 ang mga kabilang sa priority list group A1, A2,A3,A4 at A5.
Sa ngayon ay umakyat na sa 2,358 ang kabuoang kaso ng COVID-19 sa lalawigan matapos maitala ang panibagong 332 na kaso ngayong araw, August 30, 2021.