BFAR-Bicol nagsisimula nang maghanap ng mga kwalipikado sa fisheries scholarship program

Naga City – Nagsisimula nang maghanap ang  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng kwalipikadong iskolar para sa kanilang Fisheries Scholarship Program.

Magkakaroon ng National Qualifying Examination sa Nobyembre para sa lahat ng estudyanteng nais maging iskolar. Ang scholarship na ito ay para sa kurso na Bachelor of Science in Fisheries.

Ang Fisheries Scholarship Program o FSP ay may tatlong sangay. Para sa mga Fisherfolk Children Educational Grant (FCEG) o mga estudyante na ang mga magulang o tagapag-alaga ay rehistradong mangingisda. Mga Fisheries Industry Leaders Grant (FILG) o mga estudyante na With Honors o estudyante na kabilang sa honor roll ng klase at mga Indigenous Cultural Communities (ICCs) / Indigenous Peoples (IPs) mga estudyante na ang mga magulang ay ICCs or IPs na kinikilala ng NCIP.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Monique B. Navarrete ang Provincial FSP Coordinator ng Camarines Sur, 20 estudyante ang mabibigyan ng scholarship sa unang sangay sa buong rehiyon samantalang tig tatlong estudyante naman sa ikalawat ikatlong sangay.

Ipinaliwanag din nya ang mga benepisyong nakapaloob sa programa gaya ng libreng matrikula at iba pang school fees, buwanang allowance P5,000, book allowance bawat Semestre- P2,000, OJT Support-P3,000, Research/ Thesis/ Special Problem Support P7,000 at Graduation Support P1,500 at iba. Sa August 1 ang deadline pagpapasa ng mga requirements at ang qualifying exam ay sa November 12 ngayong taon.

Dagdag pa niya na pagkagraduate ng mga napiling iskolar ay may pagkakataon ding makapagtrabaho ang mga ito sa parehong departamento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *