KORONADAL CITY- NAGSIMULA na ang harvest ng palay sa lungsod ng Koronadal. Ito’y sa ilalim ng Consolidated Rice Production and Mechanization System Program na ipinatutupad ng provincial government ng South Cotabato.
Umabot sa 116 hectares na palayan ang nakapasok sa programa na pag-aari ng mga miyembro ng Koronadal Farmers Agriculture Cooperative o KOFACO ng Barangay Namnama.
Layon ng Consolidated Rice Production and Mechanization System na mapaigting ang produksyon ng palay mula sa 4.5 tons sa 8 tons per hectare, mapataas ang kita ng mga farmers at mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.
