HAPAG program ng DILG, layuning matugunan ang problema sa kagutuman

Bukod sa matulungan ang mga nasa sektor ng agrikultura, pinaka layunin ng programang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Program ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang matugunan ang problema sa kagutuman.

Ayon kay DILG Sorsogon HAPAG Program Focal Person Jaymiel Imperial, batay kasi umano sa pag-aaral sa 116 na mga bansa sa buong mundo nasa ika-68 na ranking ang Pilipinas pagdating sa kagutuman.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Mayroon din umanong 2.9 million household ang nakararanas ng tinatawag na involuntary hunger o yaong mga wala talagang mapagkukunan ng kanilang pagkain.

Sa ilalim ng nasabing programa ay inoobliga ang mga barangay na magkaroon ng kanilang mga community garden na ang minimum na lawak ay 200 sq. meter na kanilang tataniman ng mga gulay o anumang mga pananim na mabilis tumubo o lumaki at mapapakinabangan ng komunidad.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ang HAPAG Program ay inilunsad noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.