Hand, Foot and Mouth Disease sa Roxas, Palawan umabot na sa 96- RHU

Ikinaalarma ng Lokal ng Pamahalan ng Roxas, Palawan ang mataas na kaso ng Hand Foot and Mouth Disease sa munisipyo.

Sa ginaganap ng sesyon ng Provincial Board ngayong Martes, iniulat ni Board Member Maria Angela Sabando na mayroon ng 96 na kaso ng HFMD sa munisipyo mula sa mga barangay ng Magara at Nicanor Zabala.

Ayon sa Rural Health Unit, nagtuloy-tuloy umano ang hawaan sa mga pasyente kaya mabilis na umangat ang kaso sa halos isang-daan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Simula umano nitong March 24, 2023 ay isa lamang ang kaso ngunit naging alarming ito dahil mabilis ang transmission.

Kaugnay nito, ipinatawag sa sesyon ang kinatawan ng Provincial Health Office (PHO) para alamin ang mga ginagawang hakbang nito upang hindi na magtuloy-tuloy ang kaso ng sakit.

Samantala, kasabay ng Information and Educational Campaign sa sakit na ito, ipinapayo ng local health authorities ang proper hygiene at kalinisan ng paligid sa mamamayan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang hand, foot, and mouth disease o HFMD ay kilalang infectious disease na nakaaapekto sa mga bata. Ang sakit na ito ay kadalasang dulot ng coxsackievirus na nakukuha sa pamamagitan ng paglanghap ng mga droplet o maliliit na laway ng taong may sakit, o kaya naman ay sa paghawak ng mga bagay na kontaminado ng dumi ng taong infected.