5 NPA, sumuko sa South Cotabato

KORONADAL CITY — LIMANG miyembro ng New Peoples Army o NPA sa ilalim ng Front 72, Front 73 at Front 75 ng Far South Minadanao Region ang kusang sumuko sa mga kapulisan sa South Cotabato, sa nagpapatuloy na Comprehensive Information Operation in Relation to E.O 70 series of 2018 o ELCAC na isinasagawa ng mga otoridad.

Kinilala ng Tampakan PNP ang mga sumuko na sina alyas “Markis”, 43 anyos, magsasaka, residente ng Columbio, Sultan Kudarat; alyas “Roda/Saicy” , 39 anyos, binata, residente ng Matanao, Davao Del Sur; alyas “Ismael” 32 anyos, may asawa, at alyas “RR”, 41 anyos, may asawa, pawang mga residente ng Columbio, Sultan Kudarat at isang alyas “Jetje“/Ping”, 31 anyos, may asawa, residente naman sa lungsod ng Koronadal.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university
Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Bitbit din ng mga ito sa kanilang pagsuko ang isang unit ng kalibre 30 carbine, magazine at isang bala; isang unit ng kalibre 38 at isang bala kasama na ang isang granada.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat pa ng 1205th Maniuver Company, Regional Mobile Force Batallion 12 ang limang mga sumuko.