Halos 900 Omicron subvariant cases, naitala ng Department of Health

Aabot sa halos siyam na raan ang naitalang mga bagong kaso ng mas nakahahawang subvariants ng Omicron sa bansa.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na mayroong 816 na mga bagong kaso ng Omicron BA.5 subvariant; 42 kaso ng BA.4; at 52 cases ng BA.2.12.1

Resulta ito ng sequencing mula July 13 hanggang 18.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sa mga bagong kaso ng BA.5; 686 na ang ‘tagged as recovered’; habang 78 pa ang nananatili sa isolation.

12 din sa mga kasong ito ay mga returning overseas Filipinos.

Nakapag-detect ng BA.5 cases sa lahat ng rehyon sa bansa maliban sa BARMM.

Samantala, sa 42 cases ng BA.4, 36 na ang mga gumaling; habang lima ang nananatili pa sa isolation.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Mula naman sa 52 cases ng BA.2.12.1, 49 na ang gumaling.

Sa kabila ng mga bagong kaso na ito, muling nilinaw ni Vergeire na nananatili pa rin sa low risk classification ang bansa; habang mas mababa pa rin sa 1,000 ang bilang ng mga severe at critical hospital admissions.

Sa kabuoan, aabot na sa 1,108 ang mga kaso ng BA.5 subvariant; 54 sa BA.4; habang 139 naman sa BA.2.12.1
#