Halos 80 motorista natiketan sa isinagawang One Time Big Time Operation ng HPG at LTO sa Camarines Norte kagabi

CAMARINES NORTE- Aabot sa 78 motorista ang naisyuhan ng ticket dahil sa iba’t- ibang paglabag sa isinagawang simultaneous One Time Big Time Operation sa pangunguna ng PNP Highway Patrol Group, sa Barangay Tabugon, Sta Elena at Vinzons Avenue sa bayan ng Daet kagabi.

Pinangunahan ang operasyon ni PMaj Loreta Salgado, Provincial Officer ng HPG sa lalawigan katuwang ang Land Transportation Office at Local Police.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Pitong sasakyan naman ang na- impound sa nangyaring operasyon.

Karamihan naman sa mga inisyu ay Traffic Citations Ticket na nasa 74 na may mas magaang penalidad habang apat ang naisyuhan ng Temporary Operator’s Permit o TOP.

Kabilang sa mga violation ay unregistered, walang lisensiya, walang OR/CR, unauthorized helmet, walang suot na helmet at hindi paggamit ng seatbelt.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang mga illegal blinker sa motorsiklo.

Inaasahan naman ang mga madalas pang operasyon lalo ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Bukod dito ibinalik na rin ang lingguhang One Time Big Time Operation ng HPG.

Muli namang nagpaalala ang HPG sa mga motorista na sumunod sa mga umiiral na batas upang iwas huli at abala.