Halos 700 apektado ng vog sa Batangas – DOH

Umabot sa halos 700 residente sa Batangas ang nakaranas ng health issues dahil sa epekto ng volcanic smog o vog na dulot ng sulfur dioxide emission ng Bulkang Taal.

Ayon sa Department of Health (DOH), pinakamarami ang naitala sa bayan ng Balete na nasa 208.

Sinundan ito ng bayan ng San Pascual na nasa isang 125 daan at pangatlo ang bayan ng Agoncillo na mayroong 76 na naapektuhan ng volcanic smog.

Tatlong indibidwal naman mula sa bayan ng Lian at Tuy ang kinailangang isugod sa ospital.

Batay sa air quality monitoring ng Batangas State University, nasa good category na ang kalidad ng hangin sa Batangas mula nang makaranas ang lalawigan ng volcanic smog noong nakaraang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *