LEGAZPI CITY -Kinumpirma ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) na 6 na voting centers sa barangay ang hindi pa energized o hindi pa konektado sa APEC.
Ayon kay APEC Chief Operating Officer Apolinario Alvarez, ito ay mula sa 591 na barangays na mayroon ng voting centers para sa paparating na halalan.
Aniya, nagsagawa na rin ang mga ito ng imbestiogasyon ukol sa mga barangay na wala pang kuryente na kinabibilangan ng barangay Buhatan, Galicia, Pagcolbon, Malobago ng Batan Island ng Rapu-Rapu, Barangay Cadawag at Bogtong sa Oas, Albay.
Nakapagsagawa na rin ng inspeksyon sa aabot 53% voting centers sa Albay o aabot sa 340 barangay .
Layunin nito na malaman ang feeder stations kung saan ito konektado.
Kasama sa mga tiningnan ang isyu sa electrical wiring for lines of socket, internal wiring sa mga paaralan at marami pang iba.
Sinabi pa ng opisyal, identipikado na rin ng mga ito ang mga paaralan na konektado sa APEC na voting center.