Halos 40 undocumented Chinese nationals nadiskubre sa isang resort

Nasa kustudiya na ng Moalboal Police ang 38 mga undocumented Chinese nationals na na-uugnay umano sa POGO-like activities.

Ayon sa Moalboal Police Station, patuloy pa ang kanilang isinagawang verification upang malaman ang identity ng mga ito at kung ano talaga ang ginawa nila sa naturang lugar.

Una nito, sinasabing nagsasagawa lang anya ng random inspection kahapon ng hapon sa mga buildings ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Moalboal kasama ang Bureau of Fire Protection nang kanilang nadiskobre ang maraming dayuhan sa loob ng isang resort.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Sinasabing wala umano itong naipakitang mga passport at ano mang dokumento na makapag-identify ng kanilang katauhan at hindi rin umano ito marunong magsalita ng ingles.

Pawang mga lalaki ang kasalukuyang binabantayan ng pulisya kung saan, tanging ang kanilang tagaluto lamang ang mayroong naipakitang passport.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Hinihintay na ng pulisya ang representante mula sa Bureau of Immigration at mga interpreters upang mapagpatuloy na ang interogasyon laban sa kanila.

Nasamsam ng pulisya ang mga computers, laptops at iba pang mga gadgets na posibleng maging ebidensya sa kanilang aktibidad.

Babala ni Mayor Inocentes Cabaron na kung mapatunayan na mayroon nang illegal aktibidad sa loob ng resort, hindi siya magdadalawang isip na ito ay ipapasara. (with reports from AIRES ATUEL-DEPOSITARIO – 90.7 BNFM CEBU)